Appoint Elders

Series Break • Titus 1:5-9 • August 27, 2021 • English Service 10:00 AM

 

Sermon Introduction

Si Pablo, ang apostol, ay nag-utos kay Tito na kanyang kapwa lingkod, na ipagpatuloy ang kanilang hindi pa tapos na gawain sa Creta. Ang mga taga Creta ay kilala sa kanilang pagiging sinungaling, mapaglasing, at sumasamba sa diyos-diyosang si Zeus, na ito’y isang malaking hamon kay Tito. Gayunman, kailangan niyang ayusin ang mga bagay.

Ang isang mahalagang bagay upang maisaayos ang kalagayan ay ang paghirang ng tamang matatanda na mamamahala (Elders) sa bawat bayan. Ang salitang “elder”, “pastor”, at “bishop” ay napagpapalit, na ibig sabihin ay paglilingkod sa mamamayan ng Diyos sa pamamagitan ng pamumuno, pagtuturo, at pangangalaga. Nagbigay si Pablo ng ilang saligan para sa isang elder. Ating tunghayan ang saligang ito sa paghirang ng mamamahala o elder.

Dr. Ed Pilapil Jr.
Senior Pastor

 
 
 

Titus 1:5-9 NASB

5 For this reason I left you in Crete, that you would set in order what remains and appoint elders in every city as I directed you, 6 namely, if any man is beyond reproach, the husband of one wife, having children who believe, not accused of indecent behavior or rebellion. 7 For the overseer must be beyond reproach as God’s steward, not self-willed, not quick-tempered, not overindulging in wine, not a bully, not greedy for money, 8 but hospitable, loving what is good, self-controlled, righteous, holy, disciplined, 9 holding firmly the faithful word which is in accordance with the teaching, so that he will be able both to exhort in sound doctrine and to refute those who contradict it.

Notes

Si Pablo, ang apostol, ay nag-utos kay Tito na kanyang kapwa lingkod, na ipagpatuloy ang kanilang hindi pa tapos na gawain sa Creta. Ang mga taga Creta ay kilala sa kanilang pagiging sinungaling, mapaglasing, at sumasamba sa diyos-diyosang si Zeus, na ito’y isang malaking hamon kay Tito. Gayunman, kailangan niyang ayusin ang mga bagay.

Ang isang mahalagang bagay upang maisaayos ang kalagayan ay ang paghirang ng tamang matatanda na mamamahala (Elders) sa bawat bayan. Ang salitang “elder”, “pastor”, at “bishop” ay napagpapalit, na ibig sabihin ay paglilingkod sa mamamayan ng Diyos sa pamamagitan ng pamumuno, pagtuturo, at pangangalaga. Nagbigay si Pablo ng ilang saligan para sa isang elder. Ating tunghayan ang saligang ito sa paghirang ng mamamahala o elder.

  1. Paghirang ng Elder para sa Kaayusan

    Iniwan ni Pablo si Tito sa Creta, isang isla sa baybayin ng Grecia, kaya’t dapat ayusin ni Tito ang mga gawaing kanilang sinimulan doon, na dapat ay maglagay ng mga matatandang mamamahala (elders) sa bawat bayan sa isla (1:5). Hindi magiging kumpleto ang gawain kung hindi hihirang ng mga elders.

  2. Pagkatao ng Elder at Kanyang Pamilya

    Ang Elder ay dapat, mga taong walang kapintasan; isa lamang ang asawa, at ang mga anak ay mananampalataya at hindi magugulo o matitigas ang ulo. Bilang katiwala ng Diyos, kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwa ng iglesya. Hindi siya dapat mayabang, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi mapusok o sakim (1:6-7).

  3. Pagiging Bukas Palad ng Elder at ang Salita ng Diyos

    Ang elder ay nagpapakita ng mabuting pakikitungo, maibigin sa kabutihan, may pagpipigil sa sarili, banal, at disiplinado. Alam ang salita ng Diyos at naninindigan siya dito kaya’t nakakapagpasigla at nakapagtuturo siya sa iba. Pinapakita niya ang kamalian ng mga sumasalungat sa salita ng Diyos (1:8-9).

    Kung ang isang tao ay hindi tapat sa salita, hindi siya dapat elder. Paano niyang mapasisigla ang iba sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ipaglaban ang kanilang pananalig kung hindi niya malinaw o maayos na nauunawaan ang Salita ng Diyos?

Application

  1. Pahalagahan ang Tungkulin ng (Nakatatandang Namamahala) Elders

    Ang mga Biblikal na nakatatandang namamahala (elders) ay nagdudulot ng kaayusan sa isang pamayanang Cristiano. Sila’y nagpapastol ng pamayanan ng mga manananampalataya ng maramihan at hindi pang isahan. Nangangalaga sila ng mga mamamayan ng Diyos sa pamamagitan ng salita, at kanilang ipinagtatanggol sila sa mga maling katuruan.

  2. Manalangin para sa Karapat-dapat na Elders

    Sa kabilang banda, ang elders na hindi akma sa tungkulin ay hindi kailanman makikilala ang maling katuruan o makapagpapakita ng isang masiglang pamumuhay sa pananampalataya at pagsunod. Ang kanilang pamumuhay at pamilya ay hindi sulit na tularan. Kaya’t ang hindi akma na elders ay mapanganib sa kawan.

  3. Respetuhin ang mga Elder

    Ang mga biblikal elders ay hindi perpekto, ngunit ang kanilang pribado at publikong pamumuhay ay iginagalang. Sila ay disiplinado, bukas palad, at maayos na pinangungunahan ang sariling sambahayan. Kaya’t sila’y ating igalang at tularan ang mabuti nilang halimbawa.