Ang Salita ng Diyos:
Dapat na Ingatan,
Hanapin, at
Pagyamanin

Mga Core Values - Part 1.2 • Mga Awit 119:9-11 • October 31, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang Awit 119 ay ang pinakamahabang Salmo na mayroong 176 na magkakahiwalay sa 22 mga taludtod o saknong, kumakatawan sa alpabetong Hebreo. Bawat saknong ay binubuo ng 8 talata. At bawat talata sa isang saknong ay nagsisimula sa katulad na alpabeto.

Ito ay isang napaka-ayos na balangkas at salmong patula. Ang tema ng Awit ay ang Salita ng Diyos. Sa ikalawang saknong, ang salmista ay nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pag-iingat sa buhay, paghahanap ng buong puso sa Diyos, at pinahahalagahang salita ng Diyos.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Awit 119:9-11 MBBTAG

9 Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan?
Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.
10 Buong puso ang hangad kong sambahin ka't paglingkuran,
huwag mo akong hahayaang sa utos mo ay sumuway.
11 Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan,
upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.

Notes

Isinulat ni Pablo ang 2 Timoteo sa loob ng isang kulungan sa Roma. Ang sulat ay huling liham ni Pablo bago ang kanyang kamatayan noong AD 67. Ang apostol ay nagpaala-ala kay Timoteo na maging mapagmasid o maalam sa mga sitwasyon. Gayunman, ay nagbigay si Pablo ng mga paalaala, na maaaring tinuturuan niya ang batang manggagawa.

Si Pablo ay nag-aalala tungkol sa tamang doktrina. Ipinaglaban niya ito sa buong buhay niya, ngunit malapit na siyang mamatay. Dapat ipagpatuloy ng batang pastor ang paglaban sa pagtuturo ng lahat ng kasulatan.

  1. Ingatan
    Ang Salmista ay nagtanong tungkol sa “kung paano maging wagas ang buhay ng isang kabataan?”. Ang sagot ay sumunod siya sa Banal na Kautusan (119:9). Bagamat ang punto ay sa kabataan, ngunit ito ay tumatalakay din sa lahat ng uri ng tao.

  2. Hanapin
    Sinabi ng Salmista na hinanap niya ang Panginoon nang buong puso. Ito ay kanyang pagnanasa na huwag lumihis sa Kanyang mga utos (199:10). Ang mga tao ay dapat maagap sa paghahanap sa Panginoon upang maiwasan ang paglayo sa Kanyang salita.

  3. Pagyamanin
    Ipinahayag ng Salmista na iniingatan niya ang salita sa kanyang puso upang huwag magkasala laban sa Diyos. Ang isa pang paraan ng pagtingin dito ay ang pinagyayaman niya sa salita ng Diyos ang kanyang puso upang hindi siya magkasala (119:11).

Pagsasabuhay

  1. Ingatan ang ating buhay batay sa salita ng Diyos, lalo na sa mga kabataan na nahaharap lagi sa iba’t ibang uri ng tukso. Kung hindi magiging maingat at magbantay sa ating sarili, magiging madali sa atin na tayo’y gumawa ng karumihan.

  2. Sa biyaya ng Diyos, ating hanapin ang Diyos sa panalangin nang may buong puso, at gawin natin itong panatilihing tuloy tuloy. Sa maagap na paghahanap sa Diyos, maiiwasan nating mapalayo sa Kanyang salita.

  3. Panatilihin natin sa ating puso ang salita ng Diyos, na ang ibig sabihin ay dapat alam natin ang Salita, at dapat na ito’y ating pagyamanin sa ating mga puso. Kung gagawin ito, ang salita ang gagabay sa atin upang hindi magkasala. Ang lahat ay nagsisimula sa Ebanghelio o Mabuting Balita kay Cristo.

Talakayan at Pagninilay-nilay

  1. Paano mapananatili ng isang tao na dalisay ang kanyang pamumuhay?

  2. Paanong hindi tayo maliligaw mula sa mga utos ng Diyos?

  3. Paanong hindi tayo magkasala sa Diyos?