Kalugod-lugod sa Diyos

Mga Core Values - Part 2 • 2 Timoteo 2:14-19 • November 7, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Dapat ipagpatuloy ni Timoteo ang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga mapagkakatiwalaang magtuturo din naman sa iba pang tapat na magtuturo (2:2). Inatasan ni Pablo si Timoteo na manatiling masigasig sa misyong ito. Inilarawan niya ang kanyang mensahe sa imahe ng isang kawal, manlalaro, at magsasaka (2:3-7).

Ipinakita ni Pablo ang kanyang sarili bilang halimbawa kahit dumanas ng pagdurusa, at kahit sukdulang mabilanggo (2:8-10). Isinulat ni Pablo ang mga patulang salita na sumasalamin sa biyaya ng Mesiyas (2:11-13). Sa wakas, tanging sa biyaya ng Diyos makakamit ni Timoteo ang pagkaunawa.

Sa huli, tanging biyaya ng Diyos ang magkakaloob sa atin upang maunawaan ang Kanyang kalooban at kaparaanan. Sa ating puso ay dapat manatili tayong tapat sa layunin hanggang sa katapusan. Ang Diyos ay mananatiling tapat sapagkat hindi Niya maitatakwil ang Kanyang sarili.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mark 3:14 MBBTAG

14 Pumili siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol].[a] Hinirang niya ang mga ito upang makasama niya at isugo upang mangaral.

Notes

Dapat ipagpatuloy ni Timoteo ang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga mapagkakatiwalaang magtuturo din naman sa iba pang tapat na magtuturo (2:2). Inatasan ni Pablo si Timoteo na manatiling masigasig sa misyong ito. Inilarawan niya ang kanyang mensahe sa imahe ng isang kawal, manlalaro, at magsasaka (2:3-7).

Ipinakita ni Pablo ang kanyang sarili bilang halimbawa kahit dumanas ng pagdurusa, at kahit sukdulang mabilanggo (2:8-10). Isinulat ni Pablo ang mga patulang salita na sumasalamin sa biyaya ng Mesiyas (2:11-13). Sa wakas, tanging sa biyaya ng Diyos makakamit ni Timoteo ang pagkaunawa.

Sa huli, tanging biyaya ng Diyos ang magkakaloob sa atin upang maunawaan ang Kanyang kalooban at kaparaanan. Sa ating puso ay dapat manatili tayong tapat sa layunin hanggang sa katapusan. Ang Diyos ay mananatiling tapat sapagkat hindi Niya maitatakwil ang Kanyang sarili.

  1. Ang Babala
    Ibinilin ni Pablo kay Timoteo na sila’y paalalahanan sa tamang doktrina at tigilan ang walang kabuluhang diskusyon na nagbubunga ng kasalanan. At saka binanggit ni Pablo sina Himeneo at Fileto, sila ang mga taong dapat iwasan na nag-aakay sa huwad na katuruan (2:14, 16-18).

  2. Ang Pagsusuri
    Inutusan ni Pablo si Timoteo na gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang matamo ang kaluguran ng Diyos bilang isang mangagawa. Sa ibang mga salin ay nagbibigay ng kaisipan na dapat pag-aralang mabuti ni Timoteo ang salita para kalugdan ng Diyos. Ang resulta, nawawala ang hiya, dahil tama at matuwid na pinanghahawakan ang salita (2:15).

  3. Ang Tatak
    Bagama’t inutusan ni Pablo si Timoteo na ituwid ang maling aral na nakakaapekto sa iglesia, tiniyak din niya sa kanya ang soberanya ng Diyos. Bagama’t maraming tao ang lumalayo, alam ng Diyos ang sinumang sa Kanya; sila’y lumalayo sa kasamaan (2:19).

Pagsasabuhay

  1. Alalahanin ang tamang doktrina at iwasan ang walang kabuluhang talakayan na nagbubulid sa kasalanan, lalo na ang maling katuruan. Tigilan ang paghahambog ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsali sa hindi mabungang talakayan.

  2. Mag-aral ng Kanyang salita upang kalugdan ng Diyos bilang isang manggagawa o bilang isang ministro. Nakakahiya sa isang manggagawa o pastor na hindi humawak ng tama sa salita ng Diyos. Upang mahawakan ito ng maayos ay nangangahulugan ng paghawak nito nang tumpak.

  3. Gawin natin ang ating makakaya upang tugunin ang maling aral; gayunman, manalig tayo at magtiwala sa Diyos na Siya ang may kontrol sa lahat. Alam Niya kung sino-sino ang sa Kanya. Ang isang tatak ng Kanyang mamamayan ay ang lumalayo sila sa kasamaan.

Talakayan at Pagninilay-nilay

  1. Ano ang babala?

  2. Bakit kailangang pag-aralan ang salita ng Diyos?

  3. Ano ang kaugnayan sa pagitan ng pag-aaral ng salita ng Diyos at ang Kanyang tatak?