Hinirang, Tinuruan,
at Sinugo

Mga Core Values - Part 3 • Marcos 3:14 • November 14, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Tinawag ng Panginoon ang labindalawang desipulo upang Siya’y makasama sa loob ng ilang taon. Nang sila’y tinawag upang sumunod sa Kanya, dagliang nilang iniwan ang kanilang mga ginagawa at sumunod sa Kanya. Sa loob ng tatlong taon, sila ay nakinig sa mga turo Niya at pinagmasdan ang lahat ng Kanyang ginagawa. Maraming pribadong bagay ang naituro sa kanila ang Panginoon.

Gayunman, ang Panginoon ay palagi silang kasama sa Kanyang ministeryo sa publiko. Sa pribadong kalagayan, madalas nasaksihan nila ang buhay sa pananalangin ng Panginoon. Sa publikong katayuan, nasaksihan nila kung paano Niya pinabulaanan ang kaayusan ng relihiyon noong panahong iyon. Nasaksihan din nila kung paanong gumagaling ang marami.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mark 3:14 MBBTAG

14 Pumili siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol].[a] Hinirang niya ang mga ito upang makasama niya at isugo upang mangaral.

Notes

Tinawag ng Panginoon ang labindalawang desipulo upang Siya’y makasama sa loob ng ilang taon. Nang sila’y tinawag upang sumunod sa Kanya, dagliang nilang iniwan ang kanilang mga ginagawa at sumunod sa Kanya. Sa loob ng tatlong taon, sila ay nakinig sa mga turo Niya at pinagmasdan ang lahat ng Kanyang ginagawa. Maraming pribadong bagay ang naituro sa kanila ang Panginoon.

Gayunman, ang Panginoon ay palagi silang kasama sa Kanyang ministeryo sa publiko. Sa pribadong kalagayan, madalas nasaksihan nila ang buhay sa pananalangin ng Panginoon. Sa publikong katayuan, nasaksihan nila kung paano Niya pinabulaanan ang kaayusan ng relihiyon noong panahong iyon. Nasaksihan din nila kung paanong gumagaling ang marami.

  1. Paghirang
    Ang Panginoong Jesus ay humirang ng labindalawa. Pagkaraan ay tinawag silang mga apostol, maliban kay Judas Iscariote, na ipinagbili si Cristo sa halagang tatlumpung pilak (Marcos 14:20-21). Ang mga apostol ay pinalitan si Judas ni Matias sa pamamagitan ng isang proseso (Gawa 1:25-26).

  2. Konektado
    Ang Panginoong Jesus ay humirang ng labindalawa upang makasama Siya. Sila’y sumunod sa Kanya, natuto sa Kanya, at nasaksihan ang Kanyang mga pamamaraan. Sila’y naging isang Samahan ng magkakapatid sa ilalim ng pagtuturo ni Cristo.

  3. Pagsugo
    Ang Panginoong Jesus ay humirang ng labindalawa upang makasama Siya, at pagkaraan ay Kanyang susuguin upang mangaral. Binigyan din sila ng kapangyarihan laban sa mga demonyo. Ang mga alagad ay masunurin at nangaral ng mabuting balita ni Cristo

Pagsasabuhay

  1. Sundin si Cristo
    Tinawag ng Panginoon ang labindalawa upang sumunod sa Kanya. Tinatawag Niya ang mga kalalakihan at kababaihan na sumunod sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Tayo’y sumunod sa Kanya nang buong puso, buong isip, at kaluluwa kapag napakinggan ang Mabuting Balita kay Cristo.

  2. Lumago kay Cristo
    Inakay ni Cristo ang labindalawa sa Kanya, na ang ibig sabihin, sila’y nagsasama-sama. Ang mga desipulo ay nasaksihan Siya at nakinig sa Kanya. Paano natin ito maisasapamuhay ngayon? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia nang magkakasama.

  3. Ipangaral si Cristo
    Ang Banal na Espiritu at salita ng Diyos ang magtutulak sa atin upang ipangaral ang Mabuting Balita (Ebanghelio). Inihahayag natin ang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon. At tayo’y nagpapahayag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Talakayan at Pagninilay-nilay

  1. Bakit humirang ng labindalawa ang Panginoon? Ano ang Kanyang layunin, na isinasaad mula sa teksto?

  2. Ano ang kaugnayan sa pagitan ng kapiling Siya at hirangin sila bilang Kanyang mga apostol?

  3. Ano ang magiging resulta sa mga alagad kapag kasama nila ang Panginoon?

  4. Paano natin maisasagawa ang konteksto sa ating iglesia?