Pamunuan ng Iglesia

Mga Core Values - Part 8 • Gawa 6:1-7 • December 19, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Nakaranas ang sinaunang Iglesia ng maliit na problema, hahantong ito sa mas malalang kalagayan kung hindi matutugunan. Malamang, ang mabilis na paglago ng iglesia ay naging sanhi ng kapabayaan. Gayunman, posible din na mayroong hindi maayos na kalagayang panloob.

Ang mga alagad ay tumugon sa isyu sa pamamagitan ng pag-alam sa suliranin, tingnan ang kanilang mga priyoridad, at ginawang bahagi ang komunidad ng iglesia sa paggawa ng solusyon. Ang bawat iglesia na lumalago ay dumaranas ng suliranin. Kaya nga’t ang bawat pamayanan ay dapat makipag damayan at maging mabuting namumuno.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Gawa 6:1-7 MBBTAG

1 Habang patuloy na dumarami ang mga alagad, nagkaroon ng reklamo laban sa mga Hebreo ang mga Helenista. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.”

Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking lubos ang pananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at si Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na nahikayat sa pananampalatayang Judio. Nang iharap sila sa mga apostol, sila'y ipinanalangin at pinatungan ng kamay.

Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at dumami ang mga alagad sa Jerusalem. At maraming paring Judio ang naniwala sa Magandang Balita.

Notes

Nakaranas ang sinaunang Iglesia ng maliit na problema, hahantong ito sa mas malalang kalagayan kung hindi matutugunan. Malamang, ang mabilis na paglago ng iglesia ay naging sanhi ng kapabayaan. Gayunman, posible din na mayroong hindi maayos na kalagayang panloob.

Ang mga alagad ay tumugon sa isyu sa pamamagitan ng pag-alam sa suliranin, tingnan ang kanilang mga priyoridad, at ginawang bahagi ang komunidad ng iglesia sa paggawa ng solusyon. Ang bawat iglesia na lumalago ay dumaranas ng suliranin. Kaya nga’t ang bawat pamayanan ay dapat makipag damayan at maging mabuting namumuno.

  1. Ang Suliranin

    Ang sinaunang iglesia ay nakaranas nang umuusbong na problema, na magdudulot ng mas malalang kalagayan kung hindi matutugunan. Ang mga Helenistang Judio ay dumaraing tungkol sa kapabayaan ng pamamahagi ng kanilang ikabubuhay sa mga balo. Ang mga apostol ay malamang na tinutulungan ng mga boluntaryong Hebreo (6:1).

  2. Ang mga Priyoridad

    Kinilala ng mga apostol ang suliranin. Gayuman, binigyan nila ng solusyon ang problema sa unang hakbang na alamin ang kanilang mga priyoridad. Pagkaraan, ipinaalam nila ang kanilang mga priyoridad, ito ang pananalangin, at pagtuturo ng salita (6:2,4)

  3. Ang Solusyon

    Isinama ng mga apostol ang buong Iglesia sa pagresolba ng problema. Una, nagbigay ng payo ang mga apostol na humirang ng mga kalalakihang may mabuting kalooban, puspos ng Espiritu at may karunungan. Pagkaraan ay pinagtibay ng iglesia ang mungkahi. At sila’y pumili ng pitong kalalakihan (6:3,5-7).

Pagsasabuhay

  1. Asahan ang Suliranin

    Ang pamayanan ng iglesia ay dapat batid ang problema na magdudulot ng pagkakabahagi dahil sa kapabayaan. Isang estratehiya natin ay ang “small group strategy”; ang mga namumuno ay dapat kumilos tulad ng pitong kalalakihan. Gayunman, maging maingat ang namumuno sa lahat ng bagay.

  2. Ibahagi ang mga Priyoridad

    Ang priyoridad ay katulad din sa mga apostol, ang pananalangin at pagtuturo ng salita. Ipahayag natin ang Mabuting Balita sa mga taong ligaw ang landas at ituro sa kanila ang ebanghelio ni Cristo upang sila’y manalig. At sa lahat ng bagay, palagi tayong manalangin. Ang mga pastor at elders ay dapat manguna sa mga priyoridad.

  3. Gumawa ng Solusyon

    Isang solusyon sa maraming suliranin ng iglesia ay ang mga karapat-dapat na mga lingkod. Sa pagiging dapat, sinasangguni natin ang teksto, na nagsasabing, may mabuting reputasyon, puspos ng Espiritu at karunungan. Kaya’t, sila ay ang mabubuting kalalakihan at kababaihan, na dapat ay kabahagi sa mga gawain.

Talakayan at Pagninilay-nilay

  1. Ano ang naging problema? Ipaliwanag na maigi.

  2. Paano tinugon ng mga apostol ang suliranin?

  3. Ano ang mga naging resulta?

  4. Paano natin mailalapat ang mga paksa?