Go to Part 3

 

 Ang Pagsilang kay Moises

Aklat ng Exodo - Part 2 • Exodo 2:1-10 • Hunyo 30, 2019 • Makinig sa Spotify

 
 
Exodus E2 Tagalog.png

Sermon Overview

Sa panahon ng daigdigang pagpatayan, naipanganak si Moises at ipinalaki siya ng Diyos bilang isang pinuno.

Eddie Labios Jr. Pastor

 
 
 

Exodo 2:1-10 MBBTAG

1 May mag-asawang buhat sa lipi ni Levi na nagkaanak ng isang lalaki. Napakaganda ng bata kaya't tatlong buwan itong itinago ng ina. Nang hindi na siya maaaring itago pa, kumuha ang kanyang ina ng isang basket na yari sa tangkay ng tambo at pinahiran ng alkitran upang hindi pasukin ng tubig. Pagkatapos, inilagay niya rito ang sanggol at inilagay sa talahiban sa may pampang ng ilog. Ang kapatid na babae naman ng sanggol ay tumayo sa di kalayuan upang tingnan kung ano ang mangyayari.

Maliligo noon sa ilog ang anak na babae ng Faraon. Natanaw niya ang basket kaya't ito'y ipinakuha niya sa isa sa kanyang mga katulong na naglalakad-lakad naman sa tabing ilog. Nang maiabot sa kanya ang basket, inalis niya ang takip nito at nakita ang batang umiiyak. Naawa siya at kanyang nasabi, “Ito'y anak ng isang Hebrea.”

Ang kapatid naman ng bata ay lumapit sa prinsesa at kanyang sinabi, “Kung gusto po ninyo, ihahanap ko kayo ng isang Hebreang mag-aalaga sa sanggol na iyan.”

“Sige, ihanap mo ako,” sagot ng prinsesa. Umalis ang batang babae at tinawag ang mismong ina ng bata. Nang dumating ito, sinabi ng prinsesa, “Alagaan mo ang sanggol na ito at uupahan kita.” Kinuha ng ina ang sanggol at inalagaan. 10 Nang malaki na ang bata, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa, at siya'y itinuring na anak nito. Sinabi niya, “Iniahon ko siya sa tubig, kaya Moises ang ipapangalan ko sa kanya.”

Notes

Inilaan ng Diyos ang Israel ng maging isang makapangyarihang bansa. Kaya nga’t ginawa ng Diyos na ito’y palaguin sa bilang.

Ang pagdami ay naging banta sa mga Egipcio. Sa gayon ang mga Egipcio ay tinangka na pigilan ang panganganak ng mga Hebrea sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga gawain ngunit hindi nila ito magawang hadlangan. Nakipag sabwatan si Faraon sa mga hilot upang ipapatay ang mga bagong silang na lalaking sanggol, subalit hindi ito sinunod ng mga hilot sa dahilan na sila ay may takot sa Diyos. Kaya’t pinagpala ng Diyos ang mga hilot sa pag protekta sa mga sanggol. Ang walang awang pagpatay ay naganap. Ipinag utos ni Faraon na itapon sa ilog Nilo ang mga sanggol na Hebreo.

Ang pagpuksa ay naging malaking kahapisan sa mga Hebreo, subalit ang pag-asa ay sisibol. Si Moises ay isisilang, ang instrumento na gagamitin ng Diyos upang iligtas ang mga angkan ni Israel mula sa kalupitan ng Egipto. Kahit pa si Moises ay isinilang bilang Israelita, pinalaki ng isang Israelita, siya ay naging edukado bilang Egipcio. Kaya’t inihanda ng Diyos ang Kanyang hinirang na lider.

  1. Itinago si Moises ng kanyang ina sa loob ng tatlong buwan hanggang hindi na siya ito magawa. Kaya’t inilagay si Moises sa isang tiklis na hindi lulubog sa tubig. Lumutang ang tiklis papunta sa lugar kung saan naliligo ang anak ni Faraon.

  2. Natagpuan ng anak ni Faraon, kasama ang kanyang mga katulong ang bata. Naawa siya sa umiiyak ng bata. Sa pagkakataong iyon, ang kapatid ni Moises, si Miriam, ay nakabantay lamang. Nilapitan niya ang princesa at tinanong kung kailangan niya ng tagapag-alaga ng sanggol.

  3. Tumugon ang princesa. Tinawag ni Miriam ang kanyang ina. Pinakiusapan ng princesa ang ina na alagaan ang sanggol at siya’y bibigyan ng kaukulang bayad. Nang lumaki na si Moises, ibinalik ito sa princesa.

Mga Aral

  1. Manalig tayo na kahit sa panahon ng mga suliranin at mga kaguluhan, ang Diyos ay patuloy na gumagawa upang maganap ang lahat ng Kanyang mga pangako. Kahit malubha man ang kalagayan sa buhay, kuwag mawawalan ng pag-asa. Sa halip, isipin ang paraan ng Diyos sa pagpapanatili ng Kanyang mga pagpapala.

  2. Maging listo ang ating isipan katulad ni Miriam. Dadalhin tayo ng Diyos sa mga ganung pagkakataon, makalangit na katungkulan, na, magpapabago sa ating kalagayan o katayuan sa buhay. Sunggaban ang pagkakataong itinakda ng Diyos.

  3. Ginamit ng Diyos si Moises upang iligtas ang Israel mula sa Egipto. Ginamit ng Ama si Jesu Cristo upang iligtas tayo mula sa kasalanan. Manatiling ituon ang ating buhay kay Cristo para sa kaligtasan ng ating kaluluwa.