Walang mga Palusot
Galatian Liberty • Galacia 5:13-15 • Hulyo 31, 2022 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Nagpahayag si Pablo ng matinding pagkabahala na ang mga tumatanggap
ng liham ay dapat manalig sa ebanghelio nang walang pagbaluktot. Binalaan niya ang sinumang nagnanais ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan
ng gawa ng kautusan, ay inilalayo ang sarili mula sa biyaya ng Diyos. Tsaka
niya tinanong kung sino ang humadlang sa kanilang maayos na kalagayan
sa pananampalataya, na tila isang panunuya sa kanilang pananampalataya.
Nagbigay din siya ng babala na ang maliit na pampaalsa ay napapaalsa ang buong masa ng harina, na tumutukoy sa babala na dapat iwasan kahit isang maliit na huwad at maling katuruan. Gumamit si Pablo ng mga mabigat at mariing pananalita laban sa lahat ng sinumang nangangaral ng baluktot na ebanghelio. Ilan sa mga pananalitang ito ay bahagi ang sumpa at pag-alis ng pagkalalaki o pagkapon.
Pagkaraan ay ibinaling niya ang kanyang atensiyon mula sa mga bulaang guro sa komunidad, na pinaniniwalaan niyang mababatid nila ang matuwid at wastong pananaw.
Eddie Labios Jr.
Pastor
Galacia 5:13-15
13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Notes
Nagpahayag si Pablo ng matinding pagkabahala na ang mga tumatanggap ng liham
ay dapat manalig sa ebanghelio nang walang pagbaluktot. Binalaan niya ang sinumang nagnanais ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng gawa ng kautusan, ay inilalayo
ang sarili mula sa biyaya ng Diyos. Tsaka niya tinanong kung sino ang humadlang
sa kanilang maayos na kalagayan sa pananampalataya, na tila isang panunuya
sa kanilang pananampalataya.
Nagbigay din siya ng babala na ang maliit na pampaalsa ay napapaalsa ang buong masa
ng harina, na tumutukoy sa babala na dapat iwasan kahit isang maliit na huwad at maling katuruan. Gumamit si Pablo ng mga mabigat at mariing pananalita laban sa lahat
ng sinumang nangangaral ng baluktot na ebanghelio. Ilan sa mga pananalitang ito
ay bahagi ang sumpa at pag-alis ng pagkalalaki o pagkapon.
Pagkaraan ay ibinaling niya ang kanyang atensiyon mula sa mga bulaang guro sa komunidad, na pinaniniwalaan niyang mababatid nila ang matuwid at wastong pananaw.
Walang Dahilan para Magkasala
Nagbabala si Pablo na ang mga tinawag sa kalayaan ay hindi dapat gamitin ang kanilang kalayaan bilang dahilan para sundin ang nasa ng laman, sa madaling salita, upang magkasala. Tinukoy niya ang kanyang pahayag ng pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig, na naglilingkod rin sa isa’t isa (5:13).
13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.Serbisyo at Pagmamahal
Binanggit ni Pablo ang pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig
at nagbabala tungkol sa paggamit ng kalayaan bilang isang pagkakataon para sa tawag ng laman. Pagkatapos ay hinikayat niya ang paglilingkod sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-ibig sa pamamagitan din ng pagsipi sa Levitico 19 (5:14).
14 Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo
ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”Isa pang Babala
Ang pagkakagatan at paglalaban-laban sa isa’t isa ay humahantong sa kapwa pagkawasak, na kabaligtaran ng pag-ibig sa iyong kapwa gaya ng pagmamahal sa iyong sarili. Gumamit si Pablo ng mga salitang may kaugnayan sa mga di-kilalang hayop na naglalaban-laban at iniugnay ang mga ito sa gawa ng laman (5:15).
15 Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop,
mag-ingat kayo at baka tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Pagsasabuhay
Huwag Magdahilan
Ang pagiging matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
Ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, hindi
sa pamamagitan ng relihiyong pagkaalipin, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa
ng kautusan. Ipagbunyi ang ating kalayaan sa ebanghelio ngunit huwag gamitin
ang kalayaan bilang dahilan sa kasalanan.Sa Pamamagitan ng Pag-ibig, Maglingkod sa Komunidad
Protektahan ang komunidad mula sa mga huwad na katuruan at bulaang mga tagapagturo. Gayunman, sa loob ng komunidad, dapat, sa pamamagitan ng pag-ibig, tayo’y maglingkod sa isa’t isa. Maaari nating ipahayag ito sa kabuuan ng iglesia,
lalo na sa maliliit na grupo.Magbantay
Habang nagsasalita tayo laban sa maling katuruan o walang ingat na pangangasiwa
ng Banal na Kasulatan, dapat nating tratuhin ang isa’t isa nang may paggalang at patas. At huwag magkagatan at maglaban-laban sa isa’t-isa, baka ito humantong
sa kapwa pagkawasak.
Talakayan at Pagninilay-nilay:
Sinasalungat ba ni Pablo ang kanyang sarili nang banggitin niya kung ano
ang tumutupad sa kautusan? Ipaliwanag.Ano ang mga tagubilin na nauugnay sa pagmamahal sa isa’t isa?
Ano ang babala ni Pablo tungkol sa kapwa pagkawasak?