Mga Gawa ng Laman

Galatian Liberty • Galacia 5:19-21 • Agosto 14, 2022 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Inutusan ni Pablo ang mga taga-Galacia na lumakad ayon sa Espiritu upang hindi nila matugunan ang mga pita ng laman. Ipinaalam niya sa kanila na ang mga pagnanasa ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. At ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa Espiritu.

Nilinaw sa mga paliwanag ni Pablo na magkasalungat sa loob ng isang mananampalataya ang pwersa sa pakikipaglaban. Kaya’t binanggit niya ang mga gawa ng laman. Ang mga itinala ay sadyang hindi kinumpleto, ngunit upang ipakita sa mga sinulatan ang mga partikular na mga halimbawa.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Galacia 5:19-21

19 Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Notes

Inutusan ni Pablo ang mga taga-Galacia na lumakad ayon sa Espiritu upang hindi nila matugunan ang mga pita ng laman. Ipinaalam niya sa kanila na ang mga pagnanasa ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. At ang mga pagnanasa ng laman ay laban
sa Espiritu.

Nilinaw sa mga paliwanag ni Pablo na magkasalungat sa loob ng isang mananampalataya ang pwersa sa pakikipaglaban. Kaya’t binanggit niya ang mga gawa ng laman. Ang mga itinala ay sadyang hindi kinumpleto, ngunit upang ipakita sa mga sinulatan ang mga partikular na mga halimbawa.

  1. Malinaw na Palatandaan

    Sinabi ni Pablo ang mga gawa ng laman ay “hindi maikakaila” (maikukubli). At kanyang binanggit ang listahan kung ano ang mga gawa ng laman. Inumpisahan ni Pablo sa kahalayang sekswal, imoralidad at kalaswaan. Ang lahat ay tumutukoy sa pagtatalik sa labas ng pag-aasawa (5:19).

    19 Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

  2. Pagsamba sa diyos-diyusan at Alitan

    Inilista ni Pablo ang idolotriya bilang isa sa mga gawa ng laman, na sumasamba sa huwad na mga diyos o ipinapalagay ang sinumang kapantay o mas mataas kaysa sa diyos. Anumang anyo ng pangkukulam ay masama at gawa ng laman. Alitan at mga kasalanan na dulot ay paghahati-hati sa pamayanan (5:20).

    20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

  3. Hindi Kabilang sa Kaharian

    Binanggit ni Pablo ang inggit, na parang selos pero malamang may taglay na kasamaan. Ang paglalasing at walang taros na kasiyahan ay mga gawa ng laman. Bukod pa rito, ipinaliwanag ni Pablo na ang mga gumagawa ng gayon ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (5:21).

    21
    pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Application

  1. Alamin ang Iyong Makasalanang Hilig

    Kung hindi natin namamalayan na ang laman ay umiiral pa, tayo ay mabibigo sa ating kristiyanong paghakbang. Kaya’t mahalaga na magkaroon ng mas mataas na kamalayan sa ating sarili. Anong mga kasalanan ang madali nating gawin? Ipamuhay natin ang katapatan at pagiging tapat sa isa’t isa.

  2. Bantayan ang Puso’t Isipan

    Ang tanging paraan upang bantayan ang ating puso at isipan ay lumakad ayon sa Espiritu, na taglay ang pananampalataya sa Kanyang salita. At sa pamamagitan ng pagpapako ng laman ayon sa pagnanasa nito, na nangangahulugang pagpapabaya at pagtanggi sa mga hilig ng laman.

  3. Pakinggan ang Babala

    Maliwanag ang babala ni Pablo, ang sinumang namumuhay sa mga gawa ng laman ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Binabago tayo ng ating pamumuhay sa Espiritu mula sa pamumuhay sa laman. Ito ay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa mga nasa ng laman.

Reflection & Discussion

  1. Ano-ano ang mga gawa ng laman?

  2. Paanong hindi natin bibigyang kasiyahan ang mga pita ng laman?

  3. Sino ang hindi magmamana ng kaharian ng Diyos?