Bunga ng Espiritu
Galatian Liberty • Galacia 5:22-26 • Agosto 21, 2022 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Inutusan ni Pablo ang mga taga-Galacia na lumakad ayon sa Espiritu upang hindi nila matugunan ang mga pita ng laman. Hindi dapat bigyan pagkakataon ang tawag ng laman; sa halip, sila ay lumakad sa gabay ng Espiritu. Pagkaraang maibilang ang mga gawa ng laman, daglian niya itong sasalungatin.
Inilista ni Pablo ang bunga ng Espiritu, na direktang kabaligtaran sa mga gawa ng laman. Ipapaliwanag niya na ang mga tunay na mananampalataya ay ipinako sa krus ang laman kasama ang mga pananabik nito. Gayon pa man ay gumawa siya ng isang pahayag para sa mga taga-Galacia na huwag maging palalo, huwag mag-udyok ng masama sa isa’t isa at huwag mag-iingitan sa isa’t isa.
Eddie Labios Jr.
Pastor
Galacia 5:22-26
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
Notes
Inutusan ni Pablo ang mga taga-Galacia na lumakad ayon sa Espiritu upang hindi nila matugunan ang mga pita ng laman. Hindi dapat bigyan pagkakataon ang tawag ng laman; sa halip, sila ay lumakad sa gabay ng Espiritu. Pagkaraang maibilang ang mga gawa ng laman, daglian niya itong sasalungatin.
Inilista ni Pablo ang bunga ng Espiritu, na direktang kabaligtaran sa mga gawa ng laman. Ipapaliwanag niya na ang mga tunay na mananampalataya ay ipinako sa krus ang laman kasama ang mga pananabik nito. Gayon pa man ay gumawa siya ng isang pahayag para sa mga taga-Galacia na huwag maging palalo, huwag mag-udyok ng masama sa isa’t isa at huwag mag-iingitan sa isa’t isa.
Bunga ng Espiritu
Ipinahayag ni Pablo ang resulta o ang kinalabasan ng paglakad ayon sa Espiritu. Nagbigay siya ng listahan ng mga katangian na kasama sa bunga ng Espiritu. Ang listahan ay malinaw na salungat sa mga gawa ng laman (5:22-23).
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.Ipako ang Laman
Ipinaliwanag ni Paul na ipinako ng mga tunay na mananampalataya ang laman, kasama ang mga pananabik nito. Para maipako ang laman ay ang paghahain o pagpapako ng pagkahumaling sa kasalanan sa puno. At ito ay patuloy na gawain ng isang tunay na mananampalataya (5:24).
24 At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang masasamang hilig nito.Mamuhay ayon sa Espiritu
Ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay pinapatnubayan ng Espiritu, na maaaring mangahulugan na ang Espiritu ang gagabay sa mananampalataya upang ipakita ang bunga ng Espiritu. Kaya ang mga mananampalataya ay dapat tumigil sa pagmamayabang, paglikha ng pagkakagalit, at pagkainggit sa kapwa (5:25-26).
25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
Application
Unawain ang Bunga
Dapat tayong lumalakad ayon sa Espiritu; kung gagawin natin, ang bunga ng Espiritu ay mahahayag sa ating buhay. Ngunit mahalagang alamin natin ito. Kasama sa bunga ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, kahinahunan, kabutihan, kabaitan, at pagpipigil sa sarili.
Ipako ang Laman
Ipinapako ng mga tunay na mananampalataya ang laman. Ngunit ang laman ay nagpapatuloy sa pagkakasala, lalo na kung hindi tayo lumalakad ayon sa Espiritu. Kaya’t sa bawat paggising, sa buong maghapon, at bago matapos ang araw, ating tiyakin na ang laman ay nananatiling nakapako.
Mamuhay ayon sa Espiritu
Kung namumuhay tayo ayon sa Espiritu, tayo ay lalakad kasama ang Espiritu, na nangangahulugang magpasaklaw sa gabay at pangunguna ng Espiritu. Ang isa pang paraan ng pagsasabi nito, ay ang Espiritu ang siyang aakay sa atin sa pananampalataya at ipapakita ang bunga sa ating buhay.
Reflection & Discussion
Ano ang bunga ng Espiritu?
Ano ang kahulugan na ipako ang laman?
Ano ang ibig sabihin nang upang manatili sa paghakbang sa gabay ng Espiritu?