Magtulungan sa Pasanin
Galatian Liberty • Galacia 6:1-5 • Agosto 28, 2022 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Inutusan ni Pablo ang mga mananampalatayang taga-Galacia na lumakad sila ayon sa Espiritu at huwag bigyan ng pagkakataon ang pita ng laman. Binigyang babala niya ang sinumang namumuhay sa mga gawa ng laman ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Paliwanag pa niya na ang sinumang nabibilang kay Cristo ay kasamang ipinako ang pita ng laman at mga pagnanasa nito.
Binanggit ni Pablo ang mga halimbawa ng bunga ng Espiritu, na kasama ang pag-ibig, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, kabaitan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Ang Espiritu ang gumagabay sa mga mananampalataya na nagpapakita ng bunga nito. Pagkaraan ay tuturuan sila ng apostol na magtulungan ang isa’t isa sa kanilang pasanin habang taglay ang tamang espirituwal na saloobin.
Eddie Labios Jr.
Pastor
Galacia 6:1-5
1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2 Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng kanyang sariling dalahin.
Notes
Inutusan ni Pablo ang mga mananampalatayang taga-Galacia na lumakad sila ayon sa Espiritu at huwag bigyan ng pagkakataon ang pita ng laman. Binigyang babala niya ang sinumang namumuhay sa mga gawa ng laman ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Paliwanag pa niya na ang sinumang nabibilang kay Cristo ay kasamang ipinako ang pita ng laman at mga pagnanasa nito.
Binanggit ni Pablo ang mga halimbawa ng bunga ng Espiritu, na kasama ang pag-ibig, kapayapaan, katiyagaan, kabutihan, kabaitan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Ang Espiritu ang gumagabay sa mga mananampalataya na nagpapakita ng bunga nito. Pagkaraan ay tuturuan sila ng apostol na magtulungan ang isa’t isa sa kanilang pasanin habang taglay ang tamang espirituwal na saloobin.
Pagpapanumbalik
Inutusan ni Pablo ang mga espirituwal na mananampalataya sa pagpapanumbalik sa kapwa mananampalataya na nahulog sa kasalanan. Sa ibang salita, magtulungan sa pasanin ang isa’t isa. Bukod dito, ito ay dapat gawin sa espiritu ng kahinahunan upang ang nagtutuwid ay hindi mahulog sa paglabag (6:1-2).
1 Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2 Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.Pagdaraya sa Sarili
Binabalaan ni Pablo ang mga nagpapahalaga sa sarili na nauugnay sa kanilang espirituwalidad. Tinatawag ito ng iba bilang “spiritual pride” (kayabangang espirituwal). Kaya’t ang sinumang nag-iisip na sila’y espirituwal ay dapat itinutuwid ang iba nang may kahinahunan. (6:3)
3 Kung inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili.Pagsusuri
Inutusan sila ng apostol na magsagawa ng pagsusuri sa sarili upang makontrol ang “spiritual egotism” (pagmamataas o paghahambing sa iba). At kung naniniwala na mabuti ang kanilang espirituwal na ginawa, sila’y magdiwang sa sarili ngunit huwag nang ikumpara sa iba (6:4-5).
4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba,
5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng kanyang sariling dalahin.
Application
Pagsusuri
Panumbalikin natin ang mga kapatid na nahulog sa pagkakasala, na nangangahulugang ituwid sila. Ito ay dapat gawing may katapatan sa espiritu ng pagkamahinahon dahil maaaring tayo man ay mahulog sa katulad na paglabag.
Tamang Pananaw
Bawat isa sa atin ay magpaalalahanan tungkol sa paghahambing ng sarili sa iba bilang espiirituwal na kayabangan. Tayong lahat ay makasalanan na pinawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya na ginawang matuwid sa pamamagitan ng Espiritu. Kaya’t huwag nating tingnan ang sarili na mas nakahihigit tayo sa iba o kaya ay mas nakahihigit na espirituwal kumpara sa iba.
Suriin ang Iyong Puso
Ating suriin ang mga gawa ng laman at ang bunga ng Espiritu. Pagkaraan ay suriin natin kung ano ang ating iniisip, nadarama, pagsasalita, at mga pagkilos. Kung tila tayo ay gumagawa ng mabuti, huwag na huwag nating hatulan ang kapatid na kailangan nating ituwid.
Reflection & Discussion
Ano ang ibig sabihin ng “magtulungan sa pasanin ng isa’t isa?”
Sa paanong paraan ginagawa ng isang tao ang pandaraya sa kanyang sarili?
Sinasalungat ba ni Pablo ang kanyang pahayag nang sabihin niya na dapat pasanin ng bawat isa ang kanilang pasanin? Ipaliwanag.