Malalaking Titik

Galatian Liberty • Galacia 6:11-13 • Setyembre 11, 2022 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Inutusan ni Pablo ang mga taga-Galacia na pasanin ang pasanin ng isa’t isa, ibahagi ang lahat ng mabubuting bagay sa kanilang tagapagturo, at gumawa ng mabuti sa sambahayan ng mga mananampalataya. Binalaan din sila tungkol sa paghahasik sa mga gawa ng laman na magdudulot ng kapahamakan, ngunit ang paghahasik sa Espiritu ay magbubunga ng walang hanggang buhay.

Nang magsimula si Pablo sa pagtatapos ng kanyang liham, senyales ang malalaking letra o titik na gamit ang kanyang mga kamay. Isisiwalat ni Pablo sa liham ang kaduda-dudang motibo ng mga taong nanlilinlang sa kanila. At kanyang babanggitin ang pagkukunwari ng mga taong sumisira sa kanilang pananampalataya.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Galacia 6:11-13

11 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang mga titik na ginagamit ko sa pagsulat sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay. 12 Gusto lamang ng mga namimilit sa inyo na kayo'y magpatuli na makita silang gumagawa ng magagandang bagay. Ginagawa nila iyon upang huwag silang usigin dahil sa krus ni Cristo. 13 Kahit na silang mga tuli ay hindi naman tumutupad sa Kautusan; nais lamang nilang patuli kayo upang maipagmalaki nila na kayo man ay tumupad sa tuntuning iyon.

Notes

Inutusan ni Pablo ang mga taga-Galacia na pasanin ang pasanin ng isa’t isa, ibahagi ang lahat ng mabubuting bagay sa kanilang tagapagturo, at gumawa ng mabuti sa sambahayan ng mga mananampalataya. Binalaan din sila tungkol sa paghahasik sa mga gawa ng laman na magdudulot ng kapahamakan, ngunit ang paghahasik sa Espiritu ay magbubunga ng walang hanggang buhay.

Nang magsimula si Pablo sa pagtatapos ng kanyang liham, senyales ang malalaking letra o titik na gamit ang kanyang mga kamay. Isisiwalat ni Pablo sa liham ang kaduda-dudang motibo ng mga taong nanlilinlang sa kanila. At kanyang babanggitin ang pagkukunwari ng mga taong sumisira sa kanilang pananampalataya.

  1. Ang Kahalagahan

    Sinulatan ni Pablo ang mga taga-Galacia na gamit ang kanyang mga kamay. Hindi siya gumamit ng isang eskriba, na maaaring kaugalian niya. At ang istilo ng pagsulat ng malalaking titik o letra ay maaaring magpakita ng kahalagahan, diin, at kabuluhan ng mensahe (6:11).

    11 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang mga titik na ginagamit ko sa pagsulat sa inyo sa pamamagitan ng sarili kong kamay.

  2. Kaduda-dudang Motibo

    Malinaw na binanggit ni Pablo, na ang ilan ay nagtuturo ng pagtutuli upang maiwasan ang pag-uusig mula sa mga Judio. Ang marapat ituro ng mga tagapagturo ay ang krus ni Cristo na walang kinakailangang pangangailangan tulad ng pagtutuli (6:12).

    12 Gusto lamang ng mga namimilit sa inyo na kayo'y magpatuli na makita silang gumagawa ng magagandang bagay. Ginagawa nila iyon upang huwag silang usigin dahil sa krus ni Cristo.

  3. Ibinunyag ang Pagkukunwari

    Ibinunyag ni Pablo ang pagkukunwari ng mga bulaang tagapagturo. Ang mga tagapagturong ito ay idinaragdag ang pagtutuli para sa pagpapawalang-sala; gayunman ay hindi naman nila sinusunod ang kautusan. Sinadya nilang ipagmalaki o ipagyabang na tinuli nila ang iba (6:13).

    13 
    Kahit na silang mga tuli ay hindi naman tumutupad sa Kautusan; nais lamang nilang patuli kayo upang maipagmalaki nila na kayo man ay tumupad sa tuntuning iyon.

Application

  1. Igalang ang Mensahe

    Ang mensahe ay napakalinaw. Ang Kabanalan o Katuwiran ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Ebanghelyo ni Cristo. Ang kapatawaran ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang. Ang sinumang magpilipit ng ebanghelyo ay isinumpa. Kaya’t, marapat na ipahayag ng wasto ang ebanghelyo at pangalagaan ang Kanyang mamamayan mula sa kamalian at huwad na katuruan.

  2. Itanong ang Motibo

    Inilantad ni Pablo kung bakit ang bulaang tagapagturo ay sadyang pinipilit magpatuli ang mga taga-Galacia, ang dahilan ay upang maiwasan ang mga pag-uusig. Dapat nating subukin ang bawat aral na ating naririnig at nababasa kung ito ay nakaayon sa salita ng Diyos at suriin ang bawat motibo ng nangangaral.

  3. Ingat sa Pagkukunwari

    Nagbabala si Pablo sa mga bulaang tagapagturo na nagtuturo na kailangang sumunod sa kautusan, ngunit hindi nila ito ginagawa. Dapat tayong lumayo at mag-ingat sa kanilang mapagkunwaring katuruan. Tayo’y manatili sa ebanghelyo na inihayag ng Banal na Kasulatan.

Reflection & Discussion

  1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ni Pablo gamit ang sariling mga kamay
    na may malalaking letra?

  2. Ano ang motibo ng mga huwad na tagapagturo?

  3. Ipaliwanag ang pagkukunwari ng mga tuli?