Masidhing Babala
Sulat sa Mga Hebreo - Part 11 • Mga Hebreo 6:4-8 • Enero 17, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Ang may-akda ng Hebrew ay nagturo na sumulong at magpatuloy sa paglago ang mga sinulatan mula sa mga pangunahing katuruan hanggan sa mga pagkaing espiritwal na marapat sa mga maglalago na. Ang lahat ng sumasampalataya ay dapat lumago at tumigil sa mga aral na pang-sanggol sa pananampalataya o sa mga aral na nagdadala upang mapalayo.
Eddie Labios Jr. Pastor
Mga Hebreo 6:4-8 MBBTAG
4 Sapagkat paano pang panunumbalikin upang magsisi ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. 5 Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. 6 Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat ng ito, hindi na sila maaaring panumbalikin upang magsisi sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.
7 Sapagkat pinagpapala ng Diyos ang lupang pagkatapos tumanggap ng masaganang ulan ay sinisibulan ng halamang pinapakinabangan ng mga magsasaka. 8 Subalit kung mga damo at halamang matitinik ang tumutubo doon, walang kabuluhan ang lupang iyon at nanganganib pang sumpain ng Diyos at tupukin sa apoy.
Notes
Ang may-akda ng Hebrew ay nagturo na sumulong at magpatuloy sa paglago ang mga sinulatan mula sa mga pangunahing katuruan hanggan sa mga pagkaing espiritwal na marapat sa mga maglalago na. Ang lahat ng sumasampalataya ay dapat lumago at tumigil sa mga aral na pang-sanggol sa pananampalataya o sa mga aral na nagdadala upang mapalayo.
Mula sa simula ng sulat na ito, ang may akda ay nagpaliwanag ng kadakilaan ni Cristo kaysa Judaismo. Sa maraming bahagi ng sulat, siya ay nangaral ng mahigpit at binalaan ang mga sinulatan na huwag silang lumayo o iwan ang kanilang pananalig kay Cristo. Ginawa niyang halimbawa ang mga napalayo, na sila’y imposible nang mapanumbalik sa pagsisisi dahil inilalantad nila sa khihiyan ang Tagapagligtas. Siya ay nagbabala sa sinumang napapalayo na dadanasin nila ang sumpa at sila’y masusunog.
Imposibleng mapanumbalik sa pagsisisi ang sinumang napapalayo (6:4a). Ang sumulat ay tinatalakay ang tungkol sa sinumang nasa komunidad na bumabalik sa Judaismo. Sa sinumang nalayo ay inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos (6:6).
Inihahayag ng may-akda na sila ang mga taong nakaranas ng maraming bagay ng mga pagpapala mula sa Diyos sa dahilan na sila’y nakikisama sa komunidad. Sa unang tingin, aakalain mo na sila’y mga totoong sumasampalataya. Ngunit hindi ito makumpirma sa kanila ayon sa paksa (6:4-5).
Ilang paglilinaw: (a) ang maliwanagan ay nangangahulugang magkaroon ng kamalayan, hindi kaligtasan sa pananalig, (b) ang nakalasap ng kaloob mula sa langit, batay sa mga iskolar, ito ay ang paghihirap ng Panginoon, (c) ang nakabilang sa mga tumatanggap ng Espiritu ay hindi pinananahanan, (d) ang nakalasap ng kabutihan ng salita ng Diyos, nakapakinig ng mga aral, ngunit sila’y hindi nananalig at sumusunod, (e) nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating, ang pag-asa sa hinaharap ay para sa sinumang totoong sumasampalataya (6:4-5).
Inihahayag na ang sinumang tumanggap ng tila ulan ng pagpapala mula sa Diyos na nasa loob ng komunidad ay mag-aani ng bunga, sila’y kagamit-gamit kay Cristo. Ngunit kung hindi, sila’y tila tinik at mga tinik, sila’y matutulad sa isang lupa na isinumpa at sinusunog (6:7-8).
Pagsasabuhay
Tiyakin natin na ang ating pananampalataya kay Cristo ay totoo. Kung totoo ang iyong pananalig sa Kanya, ang iyong pagsisisi sa kasalanan ay totoo din, at ang iyong pagsunod ay buong puso. Ngunit kung hindi mo susundin si Cristo ng buong pananalig, ikaw ay huwad. Puwede mong maranasan ang pagpapala ngunit hindi ito ang katibayan ng kaligtasan sa pananampalataya.
Matakot sa Diyos at manalig sa Ebanghelio ni Cristo. Tiyakin ang iyong kaligtasan. Ikaw ay magpakumbaba sa presensiya ng Diyos kung sa tingin mo ay mababaw sa iyo ang kahulugan ng ebanghelio at ganun din na hindi lubos ang iyong pagsusuko ng buhay sa Kanyan dakilang kapangyarihan. Ang natural ng bunga nito ay ang lubos na pagsunod dahil sa pananalig sa Kanya, at ito’y nagdudulot ng tunay na pagsisisi sa ating mga kasalanan.
Talakayan at Pagnilay-nilay
Ano ang ibinababala ng may-akda?
Bakit imposible na mapanumbalik sa pagsisisi ang sinumang lumalayo kay Cristo?
Sila ba ay maituturing sa tunay na mananampalataya? Sila ang nagkukunwaring nagsisi subalit lumalayo naman sa pananampalataya kay Cristo?
Paano tayo tutugon sa mga babalang ito ng may-akda?