Panunumpa ng Diyos at
Layunin Nito
Sulat sa Mga Hebreo - Part 13 • Mga Hebreo 6:13-20 • Enero 31, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Ang may-akda ng Hebreo ay nagpabatid sa mga sinulatan na huwag maging tamad, sa halip ay sundan nila ang halimbawa ng mga taong nagkakamit ng mga pangako sa pamamagitan ng pananalig at pagtitiis. Sa paksa, ibinaling ng may-akda ang atensiyon ng mga bumabasa sa panunumpa at pangako ng Diyos. Upang mapagtibay ang sumpaan, ang mga tao ay nanunumpa sa ngalan ng isang nakahihigit sa kanila. Sa dahilan na wala nang hihigit pa sa Diyos, Siya ay nanumpa sa Kanyang sarili.
Tinuruan ng may-akda ang mga mananampalataya na mararanasan nila ang parehong katayuan ni Abraham, na masunurin at matiyagang naniwala. Gayunman, ang pagkakaiba ay dapat manalig sa katuparan ng pangako ang mga mananampalataya na walang iba kundi si Cristo. Ang may-akda ay bumalik sa paksa tungkol sa pagiging Saserdote ni Cristo ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
Eddie Labios Jr. Pastor
Mga Hebreo 6:4-8 MBBTAG
9 Mga minamahal, kahit ganito ang sinasabi namin, natitiyak namin na nasa mas mabuti kayong kalagayan patungkol sa inyong kaligtasan.10 Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos. 11 Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan. 12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.
Notes
Ang may-akda ng Hebreo ay nagpabatid sa mga sinulatan na huwag maging tamad, sa halip ay sundan nila ang halimbawa ng mga taong nagkakamit ng mga pangako sa pamamagitan ng pananalig at pagtitiis. Sa paksa, ibinaling ng may-akda ang atensiyon ng mga bumabasa sa panunumpa at pangako ng Diyos. Upang mapagtibay ang sumpaan, ang mga tao ay nanunumpa sa ngalan ng isang nakahihigit sa kanila. Sa dahilan na wala nang hihigit pa sa Diyos, Siya ay nanumpa sa Kanyang sarili.
Tinuruan ng may-akda ang mga mananampalataya na mararanasan nila ang parehong katayuan ni Abraham, na masunurin at matiyagang naniwala. Gayunman, ang pagkakaiba ay dapat manalig sa katuparan ng pangako ang mga mananampalataya na walang iba kundi si Cristo. Ang may-akda ay bumalik sa paksa tungkol sa pagiging Saserdote ni Cristo ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
Nabanggit ng may-akda ang dalawang katotohanang hindi mababago: Ang panunumpa ng Diyos at ang Kanyang layunin tungkol sa pagkakasundo ng makasalanang mamamayan patungo sa Kanya. Mula kay Adan hanggang ngayon, ang kasalanan ng sangkatauhan ay nagdulot ng pagiging kaaway ng Diyos ang mga tao. Kaya’t nilayon ng Diyos na iligtas ang mga tao mula sa kahatulang igagawad sa kanilang lahat. (6:13, 6:18).
Nanalig si Abraham sa pangako na labis siyang pagpapalain ng Diyos at maging ang pagpaparami ng kanyang lahi. Matiyagang naghintay ang patriyarka sa pangako ng isang anak, si Isaac. Nanatili ang pananalig ni Abraham hanggang dumating sa paghahandog kay Isaac bilang utos ng Diyos. Sa gayon, tinanggap ni Abraham ang pangakong anak sa pamamagitan ni Sara (6:14-15).
Naka-angkla ang pag-asa ng mga mananampalataya sa Diyos, na hindi nagsisinungaling, na naglilinaw ng Kanyang pangako at pakay. Ang dakilang pag-asa ng mga mananampalataya ay kay Cristo, ang Pinakapunong Saserdoteng walang hanggan, na pumasok sa dakong kabanal-banalan doon sa langit para sa atin. Ang pagka Saserdote ni Cristo ay ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec, at hindi si Aaron (6:19-20).
Pagsasabuhay
Manalig nang lubusang pagtitiwala sa dalawang katotohanang hindi mababago: Ang panunumpa ng Diyos at ang Kanyang layuning pagkasunduin sa Kanya ang sangkatauhan sa pamamagitan ni Cristo. Kailangan natin si Cristo na Siyang magliligtas sa atin mula sa hatol ng Diyos. At mapananaligan natin Siya na Kanyang gagawin ito.
Pagyamanin natin ang ating pananampalatayang may pagtitiis at pagsunod tulad ni Abraham. Nangako ang Diyos at nanalig naman si Abraham. Inutusan ng Diyos na ihandog sa Kanya si Isaac, kaya’t siya ay sumunod, ngunit pinigilan ito ng Diyos.
Magkaroon tayo ng pananampalatayang hindi natitinag kay Cristo. Dahil si Cristo ay higit kay Aaron, gayundin naman na Siya ay higit sa lahat ng tao. Si Cristo ay hindi napapasa-ilalim sa mga tao; o Hindi Siya napapasa-ilalim sa anumang relihiyon. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Sa gayon, ang lahat ay dapat magpasakop kay Cristo at sa Kanyang salita. Siya ang angkla ng ating mga kaluluwa - wala nang iba pa.
Talakayan at Pagnilay-nilay
Ano-ano ang natalakay na dalawang katotohanang hindi mababago?
Bakit binanggit ng may-akda si Abraham?
Ano ang kahalagahan ng pagpasok ni Cristo sa tabing, sa dakong kabanal-banalan?
Anong uri ng pananampalataya mayroon tayo?