Pag-aasawa, Pananalapi, at Pagiging Huwaran

Sulat sa Mga Hebreo - Part 41 • Mga Hebreo 13:4-7 • September 5, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Ang pag-aasawa at pananalapi ay mahalagang aspeto sa buhay ng mga mananampalataya; ito ang isyu para sa mga sinulatang mananampalatayang Judio noon. Gayunman, ang pag-aasawa at pananalapi ay mahalagang paksa kahit ngayon. Ang punto ng may-akda ay dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, na sadyang taglay ang kadalisayang sekswal. Sa panahon ngayon, marami ang nagtatangka na alisin ang pamantayang moral. Ang iba ay binibigyan ito ng maling kahulugan, kung paanong puwede ang pag-aasawa ng parehong kasarian. Ngunit salungat dito, dapat nating igalang ang pag-aasawa batay sa kapahayagang biblikal.

Ang may-akda ay hindi nakatuon sa salapi kundi sa “pag-ibig sa salapi”. Ang mananampalataya ay dapat na matutunan ang paggawa na taglay ang matapat na pamumuhay, kahit sa pagpapalago ng kanyang kabuhayan, gayunman ay malaya siya sa kasakiman. Sa kagandahang loob ng Diyos, ang mananampalataya ay nakalaya sa mga agam-agam at pagnanasa sa pera. Sila ay nakahanap ng huwaran mula sa kanilang mga namumuno o lider na nagtuturo sa kanila ng salita ng Diyos. Kaya’t ang mga nangunguna na nagtuturo ng salita ng Diyos ay dapat huwaran sa pamumuhay, na nagbibigay inspirasyon sa pananampalataya.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Mga Hebreo 13:4-7 MBBTAG

Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't malakas ang loob nating masasabi,

“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
    hindi ako matatakot.
Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya. 

Notes

Ang pag-aasawa at pananalapi ay mahalagang aspeto sa buhay ng mga mananampalataya; ito ang isyu para sa mga sinulatang mananampalatayang Judio noon. Gayunman, ang pag-aasawa at pananalapi ay mahalagang paksa kahit ngayon. Ang punto ng may-akda ay dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, na sadyang taglay ang kadalisayang sekswal. Sa panahon ngayon, marami ang nagtatangka na alisin ang pamantayang moral. Ang iba ay binibigyan ito ng maling kahulugan, kung paanong puwede ang pag-aasawa ng parehong kasarian. Ngunit salungat dito, dapat nating igalang ang pag-aasawa batay sa kapahayagang biblikal. Ang may-akda ay hindi nakatuon sa salapi kundi sa “pag-ibig sa salapi”. Ang mananampalataya ay dapat na matutunan ang paggawa na taglay ang matapat na pamumuhay, kahit sa pagpapalago ng kanyang kabuhayan, gayunman ay malaya siya sa kasakiman. Sa kagandahang loob ng Diyos, ang mananampalataya ay nakalaya sa mga agam-agam at pagnanasa sa pera. Sila ay nakahanap ng huwaran mula sa kanilang mga namumuno o lider na nagtuturo sa kanila ng salita ng Diyos. Kaya’t ang mga nangunguna na nagtuturo ng salita ng Diyos ay dapat huwaran sa pamumuhay, na nagbibigay inspirasyon sa pananampalataya.

  1. Pag-aasawa Ang mananampalataya ay dapat marangal sa pag-aasawa, kasama na hindi dapat madungisan ang higaan. Ang pagtatalik sa loob ng kasal ay isang makadiyos na gawain. Subalit ang pag-aasawa ay nadudungisan sa kapabayaan, pangangalunya at pakikiapid, at “pre-marital sex”. Kaya’t hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at nangangalunya (13:4).

  2. Pananalapi Ang may-akda ay nagtagubilin sa mga bumabasa na maging malaya mula sa pag-ibig sa salapi. Sa halip, makuntento sila sa buhay, sa piling ng Diyos. Hindi sila iiwan o pababayaan, at Siya ang tutulong sa kanila (13:5-6).

  3. Pagiging Huwaran (Modelo) Nagbigay utos ang may-akda sa mga bumabasa na alalahanin at tularan ang halimbawa ng mga namumuno, na nagtuturo sa kanila ng salita ng Diyos (13:7). Tiyak na sila’y marangal sa buhay may-asawa at may pusong Malaya sa pag-ibig sa salapi.

Pagsasabuhay

  1. Tangkilikin ang pakikipagtalik sa loob ng kasal sa Pangalan ng Diyos. Tumanggi sa pagtatalik sa labas ng kasal, at huwag itong bigyan ng iba at maling kahulugan. Kung hindi, ay asahan ang hatol ng Diyos.

  2. Ang pag-ibig sa salapi ang pinaka-delikadong bagay sa kaluluwa. Marapat alisin ng lahat ang pagnanasa dito. Hindi ibig sabihin ay hindi natin kailangan ang salapi para mabuhay ng marangal. Kundi, dapat ay malaya sa kasakiman at mga kabalisahan sa buhay. Sa halip, magtiwala sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga kailangan. Ang pag-ibig sa salapi ay magpapahamak sa mga tao makamit lamang ito, kapalit ng kanilang kaluluwa. Ang desperasyon (kawalang taros) at kasakiman ay maaaring humantong sa pandaraya at hindi patas na pakikitungo.

  3. Ating alalahanin ang mabubuting namumuno na nagtuturo ng salita ng Diyos, pahalagahan ang pag-aasawa, at maging pusong malaya sa pag-ibig sa salapi. Tularan ang kanilang pananampalataya. Samakatwid, ang namumuno ay dapat pagsikapan ang maging mabuting halimbawa.