Cristong Walang Hanggan
Sulat sa Mga Hebreo - Part 42 • Mga Hebreo 13:8-9 • September 12, 2021 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Hanggang sa wakas ng sulat, matatag na ipinahayag ng may akda sa isipan ng mga bumabasa kung sino si Cristo. Si Cristo ay Diyos, nakahihigit sa mga propeta, sa mga anghel, kay Abraham, Moises, Aaron, at sa mga saserdote. Siya ang tanging pinakamataas na saserdoteng magpasawalang hanggan na namamagitan, at Siya ring ganap na handog. Ang may-akda ay minsan pang nagbigay ng isa pang paglalarawan. Si Cristo ang kahapon, ngayon, at magpasawalang hanggan.
Ang kapahayagan ay nagpapakita ng pagka-Diyos ni Cristo, kung paanong ito rin ang pinapatunayan ng may-akda mula sa simula ng Kanyang sulat. Ito rin ay nagpapatotoo na may pag-asa sa pananampalataya ang sinumang nananalig kay Cristo. Tulad ng karamihan sa mga aklat ng Bagong Tipan, ang may akda ay nagbigay babala sa mga maling katuruan. Ngunit, salungat, hinihikayat ng may-akda ang mga bumabasa na pagtibayin ang kanilang sarili sa kagandahang loob ng Diyos.
Eddie Labios Jr.
Pastor
Mga Hebreo 13:8-9 MBBTAG
8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa pagkain.
Notes
Hanggang sa wakas ng sulat, matatag na ipinahayag ng may akda sa isipan ng mga bumabasa kung sino si Cristo. Si Cristo ay Diyos, nakahihigit sa mga propeta, sa mga anghel, kay Abraham, Moises, Aaron, at sa mga saserdote. Siya ang tanging pinakamataas na saserdoteng magpasawalang hanggan na namamagitan, at Siya ring ganap na handog. Ang may-akda ay minsan pang nagbigay ng isa pang paglalarawan. Si Cristo ang kahapon, ngayon, at magpasawalang hanggan.
Ang kapahayagan ay nagpapakita ng pagka-Diyos ni Cristo, kung paanong ito rin ang pinapatunayan ng may-akda mula sa simula ng Kanyang sulat. Ito rin ay nagpapatotoo na may pag-asa sa pananampalataya ang sinumang nananalig kay Cristo. Tulad ng karamihan sa mga aklat ng Bagong Tipan, ang may akda ay nagbigay babala sa mga maling katuruan. Ngunit, salungat, hinihikayat ng may-akda ang mga bumabasa na pagtibayin ang kanilang sarili sa kagandahang loob ng Diyos.
Si Cristong Walang Hanggan
Deklaradong inihayag ng may-akda na si Jesu Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas (walang katapusan) [13:8]. Ang Kasulatan ay nagpapakita na si Cristo ang sentro ng lahat nang ipinangako at plano ng Diyos. Siya ang tampok sa kasaysayan, at pinaka tampok sa kaligtasan.Tanggihan ang Maling Katuruan
Ang may-akda ay nagbabala sa mga sinulatan ng maling katuruan, na aakalaing tama at nakaka-akit [13:9a]. Halimbawa, marami sa maling katuruan ay nagsasabi na si Cristo ay hindi Diyos; Siya ay tao lamang. Ngunit si Cristo ay 100% na tao at 100% na Diyos.
Ang mga apostol ay nilabanan ang mga maling katuruan. Ang isa sa mga iyon ay, ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng Batas sa Lumang Tipan. Ang isa pa ay, si Cristo ay tao lamang na naging Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na humahantong sa isang tao na nakatuon sa maling ebanghelyo.Magpakatatag sa Kagandahang Loob ng Diyos
Nagbigay aral ang may-akda sa mga Judiong mananampalataya na dapat, sa kanilang puso, sila’y matatag sa Kagandahang loob ng Diyos, hindi sa pagkain, kung paanong ito’y bahagi sa mga tuntunin ng Lumang Tipan [13:9b]. Ang Kagandahang Loob ay hindi tungkol sa mga gawa; ang mabuting gawa ay resulta o bunga ng kagandahang loob.
Ang bunga ng mga gawa ay hindi kailanman makapagliligtas ng kaluluwa. Ang kaligtasan ay hindi sistema ng pag-iipon ng puntos sa mga mabuting ginagawa. Diyos ang nagpasimula ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo sapagkat walang kakayahan ang tao na gawin ito. Tanging sa kagandahang loob ng Diyos kay Cristo maliligtas ang kaluluwa ng tao.
Pagsasabuhay
Kaya’t dapat naka angkla o naka tuon ang ating pananalig tanging kay Cristo lamang. Siya ay higit sa Judaismo at nakahihigit sa lahat. Manatiling nakatuon ang ating paningin kay Cristo, Siya ang may-akda at kaganapan ng ating pananampalataya, wala nang iba pa.
Walang pangalang iba pa upang maligtas ang tao, maliban sa pangalan ni Jesu Cristo. Siya ay nabubuhay na bago pa man ang mundo ay nagsimula; Siya ay nabubuhay para sa walang katapusan. Walang anumang bagay na nalikha kung Siya ay wala. At Siya ang pinaka mataas na Saserdote magpasawalang hanggan sa lahat ng mga sumasampalataya.Alamin kung sino si Cristo, alamin ang Banal na Kasulatan, at bantayan ang sarili laban sa mga maling katuruan. Ang marami ay nagsasabing si Jesus ay taong tulad natin, ngunit Siya’y naging Diyos, at ang mga tao ay maaaring makamit ang pagka-diyos. Layuan ang mga ganitong maling katuruan.
Kaya’t, marapat nating pag-aralan ang Banal na Kasulatan ayon sa konteksto. Kinasihan ng Diyos ang mga may-akda upang sumulat ng istorya, mga tula, at mga sulat. Kailangan nating pagsumikapang alamin kung ano ang ibig sabihin ng may-akda, hindi kung ano ang iniisip nating ibig sabihin.Paano natin nakikita ang kalakasan sa Kagandahang loob ng Diyos? Una, manalig sa Ama na nagliligtas, na tanging sa kagandahang loob lamang at sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Pangalawa, manatiling pokus sa pananampalataya, hindi sa mga gawa, kundi ito ay bunga lamang ng pananampalataya. Ikatlo, tandaan, hindi tayo marapat sa biyaya ng Diyos; sa gayon manatili tayong magpakumbaba sa Kanya.