Matalinong Komunidad III
Series Break • Proverbs 1:7, 3:7, 4:7 12:23, 9:8 • December 20, 2020 • Tagalog Service 8:00 AM
Sermon Introduction
Ang matalino at marunong na komunidad ay dapat matakot sa Diyos. Ang karunungang walang pagkatakot sa Panginoon ay kaalaman na nasa daigdig lamang. Ito’y nagtataguyod lang ng makasariling hangarin. Gayunman, ang pagkatakot sa Diyos ay umaakay na magtiwala sa karunungan ng Panginoon, na siyang gumagabay sa matalinong pamumuhay. Ang pagkabigong matakot sa Diyos ay magdudulot ng kabiguang makamit ang karunungan.
Eddie Labios Jr. Pastor
Kawikaan 1:7 MBBTAG
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,
ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.
Kawikaan 3:7 MBBTAG
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman;
igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
Kawikaan 4:7 MBBTAG
Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,
ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
Kawikaan 12:23 MBBTAG
Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino,
ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao.
Kawikaan 9:8 MBBTAG
Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo,
ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.
Notes
Ang matalino at marunong na komunidad ay dapat matakot sa Diyos. Ang karunungang walang pagkatakot sa Panginoon ay kaalaman na nasa daigdig lamang. Ito’y nagtataguyod lang ng makasariling hangarin. Gayunman, ang pagkatakot sa Diyos ay umaakay na magtiwala sa karunungan ng Panginoon, na siyang gumagabay sa matalinong pamumuhay. Ang pagkabigong matakot sa Diyos ay magdudulot ng kabiguang makamit ang karunungan.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,
ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway. (Kawikaan 1:7)
Kaya’t mahalaga sa mga miyembro ng komunidad na maging matalino sa mga nakikita ng mga mata. Iwasan natin ang lahat ng umaakay sa atin upang matukso sa mga bagay na walang saysay. Sa halip, manatili tayong lahat sa Salita ng Diyos upang sama-samang lumago at mapalayo sa mga masasamang gawa.
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman;
igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan. (Kawikaan 3:7)Ang matalino ay naghahangad ng karunungan. Ang matalinong komunidad ay dapat namumuhunan sa pagkakaroon ng karunungan at pagkaunawa. Sa sinumang tumatanggi sa karunungan ay nagsasayang ng kanilang buhay. Kaya’t ang nagpapahalaga sa karunungan ay karaniwan sa isang maka-Diyos na komunidad.
Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,
ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal. (Kawikaan 4:7)Kahit ang matalino ay nananatiling naghahangad ng karunungan, hindi nila ito ipinagyayabang. Ipinapakita ng matalino ang kanyang kaalaman sa tamang panahon at pagkakataon. At sa mga mangmang ay nagpapatuloy sa kanilang kahangalan nang hindi nila ito namamalayan.
Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino,
ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao. (Kawikaan 12:23)Ang mga kahangalang salita at gawa ay nahahayag sa mga taong hangal. Ang isang senyales na makikita ay ang labis na paghamak sa nagtutuwid sa kanya. Dahil ang hangal ay may napakaliit na abilidad na pahalagahan ang saway. Sa halip, mas pinipili ang manatili at ipagtanggol ang kanyang kahangalan. Ngunit ang matalino ay umiibig sa pagtutuwid. Kaya’t magpaalalahanan tayo at maayos na tanggapin ang pagtutuwid sa isa’t-isa.
Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo,
ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito. (Kawikaan 9:8)
Reflection & Discussion
Sa sariling pananalita, ipaliwanag ang isang komunidad na may takot sa Panginoon.
Paano natin makakamit ang karunungan sa lahat ng paraan?
Ano-ano ang ginagawa ng mga taong hangal sa kanilang kamangmangan? Ano ang maaaring gawin ng matalinong tao sa kanilang kaalaman?
Ano ang karaniwang ginagawa ng matalinong tao kapag siya ay sinasaway? At ano naman ang ginagawa ng isang mapangutya?