Maghasik ng Kabutihan

Galatian Liberty • Galacia 6:6-10 • Setyembre 4, 2022 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng ebanghelyo. Ipinaliwanag niya na ang sinumang mangaral ng ibang ebanghelyo o binaluktot na ebanghelyo ay isinumpa. Nilinaw niya na ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang, at ang pagiging matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya lamang. Anumang iba pang pinagmumulan ng pagpapawalang-sala at pagiging matuwid ay maling aral. Sinumang nakatagpo ng katuwiran sa kanilang sariling moralidad o mga gawa ay tinalikuran ang biyaya ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Pablo na ang mga sumasampalataya sa Diyos ay dapat lumakad ayon sa Espiritu at huwag bigyang pagkakataon ang mga gawa ng laman. At yaong mga lumalakad sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatnubayan ng Espiritu at magbubunga ng bunga ng Espiritu. Ipinagpatuloy ni Pablo ang kanyang pahayag sa pagtuturo, pagtutulungan sa dinadalang pasanin ng bawat isa, pagpapala sa mga nagtuturo, paghahasik at pag-aani, at pagpapala sa sambahayan ng mga sumasampalataya.

Eddie Labios Jr.
Pastor

 

 
 

Galacia 6:6-10

Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10 Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Notes

Binigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng ebanghelyo. Ipinaliwanag niya na ang sinumang mangaral ng ibang ebanghelyo o binaluktot na ebanghelyo ay isinumpa. Nilinaw niya na ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang, at ang pagiging matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya lamang. Anumang iba pang pinagmumulan ng pagpapawalang-sala at pagiging matuwid ay maling aral. Sinumang nakatagpo ng katuwiran sa kanilang sariling moralidad o mga gawa ay tinalikuran ang biyaya ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Pablo na ang mga sumasampalataya sa Diyos ay dapat lumakad ayon sa Espiritu at huwag bigyang pagkakataon ang mga gawa ng laman. At yaong mga lumalakad sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatnubayan ng Espiritu at magbubunga ng bunga ng Espiritu. Ipinagpatuloy ni Pablo ang kanyang pahayag sa pagtuturo, pagtutulungan sa dinadalang pasanin ng bawat isa, pagpapala sa mga nagtuturo, paghahasik at pag-aani, at pagpapala sa sambahayan ng mga sumasampalataya.

  1. Pagbabahagi ng Magagandang Bagay sa Tagapagturo

    Inutusan ni Pablo ang mga mananampalataya na ibahagi ang lahat ng mabubuting bagay sa kanilang mga tagapagturo. Isang maaaring dahilan ay tumutulong sa pasanin ng mga dalahin ang nagtuturo ng salita ng Diyos. Kaya, dapat ibahagi ng mga tinuturuan ang mga pagpapalang kanilang tinatamasa (6:6).

    Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.

  2. Paghahasik at Pag-aani

    Isinulat ni Pablo ang isang kasabihang pahayag tungkol paghahasik at pag-aani. Kung ang sinusunod ay nasa ng laman, siya’y mag-aani ng kapahamakan. Sa isang banda, kung susunod sa Espiritu, siya’y magkakamit ng buhay na walang hanggan mula sa Espiritu (6:7-8).

    Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

  3. Kabutihan sa Kapatid sa Pananampalataya

    Hinimok ni Pablo ang mga mananampalataya na patuloy na maghasik ng kabutihan kung may pagkakataon, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya. Ang dahilang kanyang ibinigay ay kung hindi sila magsasawa, sila ay tatanggap ng gantimpala sa itinanim na kabutihan (6:9-10).

    Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10 Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Application

  1. Pagpalain ang Nagtuturo

    Napakaraming paraan upang pagpalain ang ating tagapagturo sa ating komunidad ng iglesia. Isa ang pamumuhay sa bunga ng Espiritu na kasama sila, hindi ang mga gawa ng laman. Ang isa pang pagpapala na maibabahagi ay ang pagkakaloob ng materyal na pagpapala sa kanila, tulad ng pagkain at iba’t ibang uri ng mga pagpapala.

  2. Isagawa ang Prinsipyo

    Ang paghahasik at pag-aani ay isang pagkalahatang prinsipyo. Maaaring makipag argumento na isa itong banal na batas na itinakda ng Diyos sa sansinukob. Kung magtatanim ka ng patatas, natural na mag-aani ng patatas, hindi saging. Kaya’t kung tayo ay maghahasik ng kabutihan, tayo ay mag-aani ng pagpapala, kung hindi, aanihin din natin ang bunga nito.

  3. Pagpalain ang Komunidad

    Huwag tayong magsasawa sa pag-gawa ng kabutihan sa kapwa, lalo na sa sambahayan ng sumasampalataya. Samantalahin natin ang bawat pagkakataon. At sa takdang panahon, ipapahintulot ng Panginoon ang pag-aani natin ng mga pagpapala mula sa paghahasik ng kabutihan.

Reflection & Discussion

  1. Ano ang dapat nating ibahagi sa ating mga tagapagturo?
    Paano natin ito maisasabuhay?

  2. Ipaliwanag ang alituntunin ng salawikain na binanggit ni Pablo.

  3. Ano ang dapat nating gawin sa sambahayan ng mga sumasampalataya? Bakit?