Ang Panganib nang

Matangay sa Paglayo

Sulat sa Mga Hebreo - Part 3 • Mga Hebreo 2:1-4 • Setyembre 20, 2020 • Tagalog Service 8:00 AM

 

Sermon Introduction

Higit si Cristo sa mga propeta at mas nakahihigit pa sa mga anghel. Ipinahayag ng sumulat ng Hebreo na si Cristo ay ang tagapagmana ng lahat ng bagay at nakamtan ang isang mas marangal na pangalan. Siya ang naglilinis ng ating kasalanan, at Siya din ang nasa luklukan ng pinakamataas na awtoridad, na mas higit pang mataas kaysa sa mga anghel. Sinabi din ng sumulat ng Hebreo na si Cristo ang wastong naglalarawan sa kaluwalhatian at kalikasan ng Diyos. 

Higit pa riyan, si Cristo ay Diyos. Tinawag ng Diyos ang Kanyang Anak bilang Diyos kaya’t ang Anak ay walang hanggan. Ang may-akda ng Hebreo ay nagbigay babala sa mga sinulatan, sila’y kombinasyon ng mga Judiong mananampalataya at hindi mananampalataya. Ang mga hindi mananampalatayang Judio ay maaaring pamilyar sa Ebanghelio. Sila ay binalaan ng sumulat ng Hebreo na pahalagahan nila ang Ebanghelio, huwag matangay sa paglayo, at huwag nang balikan ang Judaismo.

Arnel Rivera Pastor

 
 
 

Mga Hebreo 2:1-4 MBBTAG

Kaya nga, dapat lalo nating panghawakang mabuti ang mga narinig natin upang hindi tayo maligaw. Ang mensaheng ipinahayag sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at sinumang lumabag o hindi sumunod dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito'y totoo. Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang tanda at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.

Notes

Higit si Cristo sa mga propeta at mas nakahihigit pa sa mga anghel. Ipinahayag ng sumulat ng Hebreo na si Cristo ay ang tagapagmana ng lahat ng bagay at nakamtan ang isang mas marangal na pangalan. Siya ang naglilinis ng ating kasalanan, at Siya din ang nasa luklukan ng pinakamataas na awtoridad, na mas higit pang mataas kaysa sa mga anghel. Sinabi din ng sumulat ng Hebreo na si Cristo ang wastong naglalarawan sa kaluwalhatian at kalikasan ng Diyos. 

Higit pa riyan, si Cristo ay Diyos. Tinawag ng Diyos ang Kanyang Anak bilang Diyos kaya’t ang Anak ay walang hanggan. Ang may-akda ng Hebreo ay nagbigay babala sa mga sinulatan, sila’y kombinasyon ng mga Judiong mananampalataya at hindi mananampalataya. Ang mga hindi mananampalatayang Judio ay maaaring pamilyar sa Ebanghelio. Sila ay binalaan ng sumulat ng Hebreo na pahalagahan nila ang Ebanghelio, huwag matangay sa paglayo, at huwag nang balikan ang Judaismo (tal.1). 

  1. Ang mensahe na ipinahayag sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang mapagkakatiwalaan. Dahil dito, kaparusahan sa sinuman ang hindi tumalima (tal.2). Ang mensahe ay maaasahan at ang bunga ng pagsuway ay maaaring igawad sa mga Judiong nananatili sa pagbibigay ng mataas na parangal sa mga anghel. 

  2. Ang may-akda ay nagsabi ng isang talumpating tanong. Paano nga tayo makakatakas, kung ating pababayaan ang ganito kadakilang kaligtasan? Lalo pa nga’t ang Isang ipinapahayag sa mensahe ng Mabuting Balita ay hindi anghel, kundi Isang nakahihigit sa kanila (tal.3)?

  3. Pinatunayan ng Diyos ang Ebangheliong ipinangaral ng mga apostol sa pamamagitan ng mga himala, ng mga kababalaghan at mga milagro. At Siya’y nagbahagi din ng mga kaloob sa Kanyang mga hinirang (tal.4). Sulit banggitin na maging ang Panginoong Jesus ay nagsagawa din ng mga himala. 

Pagsasabuhay

  1. Huwag tayong matangay na lumayo mula sa Magandang Balita kay Jesu Cristo. Ang Panginoon ay nagpakasakit, namatay, at muling nabuhay mula sa kamatayan. Ang Kanyang layunin ay bayaran ang ating kasalanan at tayo’y bigyan ng buhay na walang hanggan. Si Cristo ang naghirap sa hustisya ng Diyos na para sa atin. Tanging Siya ang naglinis ng ating mga kasalanan. Kaya’t tanging sa Kanya lamang tayo maglilingkod.  

  2. Tayo’y matakot sa Diyos na hindi dapat kalimutan ang mensahe ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan. Itanim natin sa isipan na kung hindi tayo magsisisi ay may masamang hantungan. Ang kaparusahan ay darating sa sinumang tumanggi sa Anak ng Diyos. Marami ang nakarinig ng Ebanghelio ang magdurusa ng walang hanggan dahil hindi nila ito binigyang halaga. 

  3. Tayo’y magtiwala na pagtitibayin ng Diyos ang Kanyang mensahe sa ating pangangaral nito. Ito’y patutunayan Niya sa pamamagitan ng mga himala at mga milagro o sa pamamagitan ng mga gawa ng Kanyang Espiritu sa puso ng tao. Ang maging pokus natin ay ang maipangaral nang wasto ang Mabuting Balita. 

Talakayan

  1. Ano-anong dahilan ang ibinigay ng may-akda upang magbigay babala sa mga sinulatan niya?

  2. Paano ginawa ng Diyos na pagtibayin ang mensahe tungkol sa Kanyang Anak? 

  3. Paano natin uunawain ang ganitong babala sa ating buhay?